Home»News


Stop and Go coalition nanindigan sa ginawang tigil-pasada

By: StopAndGo | Date: 2015-12-07
News

February 7, 2017 by DZAR 1026 Iginiit ng Stop and Go coalition na nanguna sa tigil-pasada ng jeepney drivers kahapon, na hindi sila nakonsulta sa planong jeepney phase-out ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon sa presidente ng grupo na si Jun Magno, tanging mga nagsusulong lang ng programa ang kinausap ng LTFRB. Kinastigo rin ni Magno ang nais ng LTFRB na pautangin ang jeepney operators ng 1.4 milyong piso para palitan ang mga lumang jeep. Aniya, hindi tulong na maituturing ang nasabing loan program dahil sa babayaran din nila ito. Nais ding malaman ni Magno kung saan dadalhin ang mga tatanggaling jeep sa Metro Manila. Plano ng LTFRB na alisin na sa kalsada ang mga jeep na nasa labinlimang taon pataas. Share it for others to know as well Posted in Metro News Tagged DZAR 1026, Jun Magno, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, LTFRB, Metro Manila, Stop and Go coalition